Home / BLOGS / Wow! Mali Ako!?

Wow! Mali Ako!?

Dahil sa sobrang busy ako! Kaya mag bloblog ako! Actually wala na me magawang libangan lately. Puro na lang trabaho… Akala ng iba wala me ginagawa sa trabaho, Oh well, sila ang mali this time… Akala lang nila wala, wala!!! Pero meron! meron! MERON!!! *PAK!!!* (aray!!! san nanggaling yun?? Ate V?)

Kailan lang ay may tumawag sa akin, galit na galit dahil may ginawa raw akong kabalastugan sa kanyang kamag-anak. Hindi ko na tinanong ang pangalan niya, kase tuloy tuloy ang talak niya. Pero ang hindi ko nakalimutang tanungin kung Globe or Smart siya… “Mali ka! naka SUN CELLULAR ako!” sambit nung babae!

Natatandaan ko noon may nakita akong Sexy na na ka Pink na naka-tube sa may Round table, bandang PLM, aba’y talaga bumilis ang lakad ko! Hinabol ko talaga yung babaeng naka-tube. Nang magka helera na kame, narinig ko ang isang malaking boses, “HI CUTE.” ang sabi nito! Wahhhh!!! Akalain mo! mali pala ako!

Kala ko dati may cancer na ako tulad ng sa Tatay ko. kala ko may colon cancer na ako, kase dumugo rin ang pwet ko! mali pala ako, almuranas lang pala! Siyet yan oh!

Tapos sabi ng doctor bawal na ako ng maanghang na pagkain, di ako naniwala, ayun dumugo na naman, mali pala ulit ako!

Sumali ako sa contest na Project Lafftrip Laffapalooza 2008 mula kay Baddodles ng kwentongbarbero.com. Nagkamali ako ng inisip, kala ko makakapasok ako sa Top 10 hindi pala. Nasa top 26-25 lang ako… Hindi ninyo kase ako binoto. Pero meron pa namang pag-asa, bilis boto ninyo ako, Kung paano? Narito >>>

Akala ko naka move-on na ako!!!???? Uyy… mali kayo! naka move-on na ako noh!!!

Akala ko noon ampon lang ako ng aking mga magulang, kase hindi ko kamukha ang nanay ko pati mga kapatid ko. Sabi nila tatay ko raw ang kamukha ko, pero hindi ko makita ang pinagkahawig naming dalawa. Tapos lahat pa ng mga kapatid ko may kuha sa ospital nung baby pa sila, samantalang ako, wala. Pinaka latest pic ko noon ay nasa kama ako sa bahay namin. Last Year, nangalkal ako sa mga litrato na naitago ni mama at papa. laking gulat ko ng may nakita akong picture ko na naka-bell-bottom na pants at long haired at fitted na long sleeve, Iniisip ko kailan ako nag suot ng ganun??? Mali pala ako! Hindi ako iyon! Tatay ko!

Di ako maka move-on sa almuranas ko ha wait lang….

Kung iniisip nyo na meron pa akong sasabihin pwes mali ulit kayo!

Ay hindi pala ako pala ang mali, kase siyempre gagamitin ko na rin itong post na toh para pasalamatan si Badoodles, baket ka ninyo?! Eh ako ang Featured Blog of the Month sa website nya eh!!! Yun lang! Dun siya nagkamali!

Check Also

Hindi Pa

Bakit kaya ganun. Minsan akala mo ito na yung… tamang panahon, yung tamang oras para …

Mahal Kita

Kapag sinabi kong mahal kita, Ibig sabihin mahal kita walang iba, ‘Pag sinabi kong mahal …