Home / BLOGS / Siya si Vernadine.

Siya si Vernadine.

Siya yung babaeng nakilala ko sa Starbucks! Si Vernadine Ann! Yung nakilala ko dahil kilala ng Tito ko, tapos yun pala bestfriend ng isa kong pinsan. Ehehehe yun si Dianne kung tawagin ng iba. Tapos yun, nakilala ko siya sa Starbucks…

Si Vernadine Ann yung babaeng nakausap ko sa telepono, kahit pa long distance at malayo kame sa isa’t isa eh hindi nakakasawang kausap. Inaabot ng madaling araw, sa kaka ngisngis at kakatawa sa telepono.

Siya yung alam kong matigas ang ulo. Sa edad na 23 ang dame niyang gusting gawin. Gusto magbarko, mag-abroad at subukan ang kung anu-ano pang bagay. Kaso hindi matuloy tuloy kase pinipigilan ko.

Babaeng napakalakas ng loob at palaban. Pero alam ko iyakin yun! Parang bata kung humagulgol, may kasama pang padyak at sipa ang iyak.

Siya rin yung galit sa naghihilik, ang hindi niya alam pati siya naghihilik rin! mahilig dumantay yun pag natutulog. Yung mabigat niyang mga binti, yun ang pinang dadantay niya.

Hate niya ang Mathematics. Kaya alam ko na yan rin ang dahilan kung baket niya laging nakakalimutan ang ika-19 ng bawat buwan sa kanyang kalendaryo. Kahit pa may option siyang ilagay sa reminders niya, eh nakakalimutan pa rin niya.

Sino si Vernadine Ann? Hmmmm… yung babaeng mahal ko…

Baket ko siya mahal?

Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko masaya ako pag kasama ko siya. Parang ang bilis ng oras nga eh pag-magkasama kame, parang laging bitin!

Hindi ko alam, pero pag nagkakahiwalay kame parang ang bigat bigat ng pakiramdam, parang pasan ko ang mundo! Ay hindi Jupiter! Pasan ko ang Jupiter para mas mabigat! Ganun kabigat ang pakiramdam.

Hindi ko alam kung baket, pero lagi ko siyang naiisip, yung tipong matutulog na lang ako, yung reflection ng mukha niya ung huli kong ma-i-imagine. Pati nga sa panaginip! Siya pa rin ung madalas na laman. Pati sa bangungot kasama pa rin siya, pero siya yung tagapag ligtas 😉

Hindi ko alam basta ang alam ko pagkasama ko siya kompleto ako. Parang walang kulang. Parang Coke Sakto! Hindi sobra hindi bitin!

Ewan ko, pero napapatawa niya ko lagi. Hindi ko makuhang tiisin siya kahit pa galit na galit na ako. Yung tipong makakasapak ka na pero kase siya yung katabi mo eh biglang mawawala ung galit mo at bigla kang kakalma.

So sino si Vernadine Ann?

Simple lang naman at alam ko ang sagot diyan eh!

SIYA NA.

Check Also

Pano Malaman Kung Naka Move On Ka Na?

Marami sa atin ito ang tanong. Paano malaman kung naka move on ka na? Or …

Leave a Reply

Your email address will not be published.