Home / BLOGS / Si Anxiety!? Na naman!?

Si Anxiety!? Na naman!?

Pwede ba! Layuan mo muna ako Anxiety! Ginugulo mo ang utak at pinaglalaruan mo ung emotions ko eh! Hindi ako makapag focus pag-nandiyan ka.

Tinatakot mo ko! Natataranta tuloy ako ng hindi ko maintindihan!

Huwag mo ko i-pressure sa pagkakaroon ng jowa! Magkakaroon rin ako ng love life hindi pa nga lang siguro ngayon!

Alam ko naman na tumatanda na ako and I am not getting any younger everyday. Pero alam ko magkaka love life rin ako! Hindi pa nga lang ngayon!

At pwede rin bang tumigil ka sa pag reremind sa akin na ako na lang ang single! Dahil alam naman nating hindi lang ako ang single sa mundo!

Lahat ng bagay nasa tamang panahon! Yun nga lang hindi ko alam kung darating yung panahon ko! Naniniwala ako na meron isang tao dito sa mundo na nakalaan para sa akin! Hindi ko pa nga lang siya nakikilala!

Pressure ka eh! Nakakainis yung pinarraamdam mo sa akin na tatanda ako mag-isa!

Ah Basta tumigil ka na jan! Hindi kita kailangan ngayon Anxiety kaya lubayan mo muna ako!

By the way may ipapakilala pala ko sayo Anxiety. Si Lord! Yan ang bahala sa akin! Siya ang nagplano ng lahat! Kaya pede kung may problema ka sa pagiging single ko! Si Lord ang kausapin mo!

Check Also

Duterte VS Philippine Media

Conversation and topic of the day with my Singaporean colleagues: Duterte vs Media They said …