Home / BLOGS / Maling Panahon

Maling Panahon

Anong gagawin mo kung may nagustuhan ka, na inlove ka, pero hindi pwede? Hindi pwede kase wrong timing.

Kung sa tingin mo na siya yung right person for you, pero wrong time, wrong place… then be patient. Wala kang magagawa kung hindi hintayin yung right moment.

Para yang prutas. You have to wait for a fruit to ripen up. Ripe fruits are sweeter. Nawawala yung bitterness. Nawawala yung asim. Sabi nila mas maganda ang relasyon kung ito ay pinaghirapan mo. Pinaghirapan mong hintayin na mahinog. May mga bagay talaga na hindi natin dapat minamadali. Kase yung mga bagay na minamadali, madali rin nawawala. Kaya kailangan mong maghintay.

Pero hindi ka rin dapat magpabaya. Mag-kaiba yung paghihintay sa pagpapabaya. Kung sigurado ka na sa nararamdaman mo, then you have to fight for it. Do something about it. Bago ito mabulok. Kase ang mga prutas na bulok, hindi na masarap. Baka kulang ka lang sa gawa. Action speaks louder than words. Baka kailangan mo lang ng konting push.

Pero anong gagawin mo naman kung its too late na? Wala. Wala ka na dapat gawin pa kundi move forward. May mga bagay na hindi natin dapat ipinipilit. Marame pang ibang puno na pede mamunga. Kailangan mo lang talaga minsan lumingon-lingon.

Kung sa tingin mo ay hindi ito ung panahon na nararapat, kailan ang right time? Kailan ka magiging handa na harapin at aminin sa sarili mo, yung tunay na katayuan at sitwasyon. Kailan mo haharapin yung totoo. Hindi kaya naduduwag ka lang? Naduduwag kang harapin yung katotohanan na hindi kayo para sa isa’t isa? Wrong Time. Wrong Place. Baka Wrong Person rin? That person might not be the right person for you.

Bago ang lahat, kailangan mo muna itanong sa iyong sarili, paano mo nasabi na maling oras. Paano mo nasabi na wrong timing? Paano mo nasasabi na nasa maling oras at panahon yang nararamdaman mo? Hindi kaya ikaw yung mali?

If you think, na ako yung mali this time… eh ano pa ang hinihintay mo? Ano pang tinutunganga mo diyan at binabasa itong sinulat ko. Maybe this is the right day. The right time.

Siguro ito na yung hinihintay mo. Yung hinihintay mong Tamang Panahon.

Check Also

Mahal Kita

Kapag sinabi kong mahal kita, Ibig sabihin mahal kita walang iba, ‘Pag sinabi kong mahal …

Are You?

Ang party  na ‘di masaya, Third Party! Sa lahat ng kinalagyan mong party na hindi …