Home / BLOGS / Deep In Shit Hole

Deep In Shit Hole

Alam nyo yung minsan na pakiramdam na pagod ka na, pero parang hindi ka natatapos sa mga kailangan mong gawin? Yung tipong Alam mo okay na, malapit na, konti na lang. Tapos biglang, “AY SHIT! HINDI PA PALA!”.

Yung tipong “Wala naman na akonggg gagawi…………… Ay anak ng tokwa oo nga pala yung ano!!!” Or minsan yung tipong, “Ayan na! Ayan na!!! Konti na lang!!! Wait hindi pa! Konti pa! Ayan naaaaaaaa… shit sorry baby wala ayaw talaga!”. Ay wait iba pala toh.

Minsan feeling mo eh sobrang stress ka na, pero no choice kailangan mo gawin, kase kung hindi ikaw any gagawa sino ang gagawa? Kuha kaya ako ng yaya or secretary?

Hindi ka na makapaglibang, hindi ka na nagkakaroon ng time sa sarili mo kase nga busy! Hindi mo na nga alam kung ano ibig sbaihin ng relax e! Kung titigil ko namna ang pag gawa putcha matatambakan ka ng mga gawain. Lalong stressful yun.

Then minsan gusto mo sumabog sa sobrang dameng ginagawa! Andaming sakit ng ulo… Kulang na lang malimutan mong maligo! Nakakapagod rin pala tung ganito. Mag-8 years ko ng ginagawa tung ganito mag isa. Sanay na sanay na nga ako. Tulog Gising Ligo Trabaho Uwi, then ulitan ulit.

Siguro kung nag ka girlfriend ako, hindi ko mararamdaman tung pagiging stress ko sa mga bagay bagay… Hindi ako ma stress mag-isa. At least may kasama ka at kadamay ka kapag hirap na hirap ka na. May mag cocomfort sayo at sasabihin na kaya mo lahat ng bagay.

Pero hindi rin, kung hindi ako single malamang hindi ko magagawa tung blog na toh, imbes na sa inyo ko ilabas ung mga nararamdaman ko eh malamang sa kanya ko na lang ikwekwento lage lahat lahat ng nangyayare sa akin.

Hindi bale, tutal mag-eight years na ako mag isa sa buhay, dapat at a eh masanay na ako. Pero hanggang kailan kaya ako dito sa shit hole na toh na kinalalagyan ko!? Kailan ako lalaya na magagawa ko lahat ng gusto ko ng walang ibang iniisip?

Sasabihin ng iba diyan, di ba mag isa ka naman? edi dapat nagagawa mo na lahat ng gusto mo! Pero hindi yun ganun! Sorry pero kahit mag isa ka, kailangan hindi ka maging selffish. Hindi pwede na puro sarili mo lang iniintindi mo. Being Single or Alone does not mean you should be irresponsible. Or siguro nature ko na yun na isipin ko muna ang lahat ng bagay at tao sa paligid ko bago ko isipin sarili ko.

Teka saan ba talaga ako na stress? Sa trabaho? Sa bahay? or sa Buhay kong Single?

Hays buhay single! Single Life Problems!

Check Also

Pano Malaman Kung Naka Move On Ka Na?

Marami sa atin ito ang tanong. Paano malaman kung naka move on ka na? Or …