Home / BLOGS / Current Events – Buhay UmLeo23

Current Events – Buhay UmLeo23

Sobrang dameng activities ko lately. Sa opisina, sa bahay, sa labas ng bahay, sa gym (oo nagpapayat na ulit ako), sa KFC (pero kain pa rin ako ng kain) kaya lately hindi ako nakakagawa ng blogs at video blogs. Meron akong nagawa kaso sobrang ikle, mga 10sec videos lang. Eh kamusta naman yun hindi ba?

Then medyo nalungkot at na depressed din ako dahil I never had a chance to see Christine Gambito of HappySlip.com Sa mga hindi nakakakilala sa kanya, isa siyang YouTube Celebrity na Pinay who live in states. Ngayon ay isa na cyang Ambassador for Philippine Tourism. Umuwi siya ng Pilipinas last February. Check out her site for more details. Kase kung ikwekwento ko siya sa inyo malamang eh maging About HappySlip ang title nitong blog entry kong ito.

Tapos medyo nahihilig pa akong gumala lately. Hindi yung gala na pupunta sa disco bar ha. Gala na as in lalabas at mamasyal sa mga park, mall, at sinehan! Ayoko ng bar kase mahal ang magagastos ko kapag ganun. At isa pa mas masaya sa Mall walang entrance fee.

Then marameng pang mga plano tulad ng pagpunta sa Bangkok, Thailand this June 12-15. Nako sana matuloy dahil nakapag-file na ako ng leave ko at infairness sa Boss ko eh na approve na niya. Ang plano ay apat na araw kame sa Thailand! Woah! Sana matuloy toh, excited na ako eh! Nakaimpake na nga ako.

Tapos busy rin ako sa kakahintay sa long awaited project ko with Karlo of PinoyBlogero.com Kung ano ito eh abangan ninyo! Excited ako dito sa magiging result nito. Pero ramdam ko matutuwa ako ng sobra! At lalo na mga visitors ko sa site na ito. Dumami pa sana mga kasapi ko. Ah eh mananalig na lang ako.

At may isa pang event ang pinaplano namin ni Coy of ThisIsCoy.net. Ito ay para sa mga Pinoy Vloggers out there. Yun nga lang under construction palang ito, I dunno kung matutuloy or hindi. Pagdasal ninyo na matuloy din ito, dahil sobrang saya ito!

At dahil gusto kong madagdagan pa ang events sa buhay ko at sa site na ito, magkakaroon tayo ng isang EVENT dito sa umleo23.com na uumpisahan natin next week! Ang kailangan lang ay mag participate kayo, at get a chance to win CASH! Oo as in cash!!! Hindi naman ako mamumudmod ng salapi, meron naman akong mga sponsors. So sana suportahan ninyo ako at ang event na ito.

Sa dame ng Events na ito, tignan ko lang kung hindi ako mahilo lalo!

Check Also

Pano Malaman Kung Naka Move On Ka Na?

Marami sa atin ito ang tanong. Paano malaman kung naka move on ka na? Or …

Leave a Reply

Your email address will not be published.