Home / BLOGS / Ang Original Dubsmash Kings At Si Yengtot?

Ang Original Dubsmash Kings At Si Yengtot?

Kung iniisip nyo na sa magbabarkada, eh nag iisa akong papansin online… Nag-kaka-mali kayo! Sa buong grupo namin hindi ako naniniwala na ako lang ang mahilig mag post ng kung anu-ano sa mga social media websites.

Nagkataon lang na, ako ay nabigyan ng chance para magkaroon ng sariling venue to post my opinions and mga kalokohan…

And dahil naniniwala ako sa kasabihang, “Birds that flocks together, burn together,” ay hindi pala! Basta yung kasabihan about birds! Yun dun naniniwala ako! Eh oras na para ipakita ko sa inyo na hindi ako nag-iisang papansin sa grupo namin.

Unahin natin si Tze. Aminado ako na isang napaka blessed nitong babaeng ito! Lahat na ata binigay ni Lord sa kanya! Magandang boses, Mahusay na mga kamay sa pag-gitara t pag-piano. Napaka-talented. Kung itatanonog niyo naman kung maganda siya? Basta blessed itong taong toh! Okay? Pero hindi ko kinaya tung inilabas niyang video na ito.

Next! Wait nilalagnat na naman ata ako pagkatapos ko mapanood na naman yung video ni Tze!

Okay cge next stop, si Girard! Ang masasabi ko dito sa taong toh, one word masipag! Basta may puso toh sa lahat ng mga ginagawa niya. kaya proud ako sa taong toh… Pero mas nakaka proud itong video niya na toh na aksidente ko na nakita sa YouTube!

Akalain mo na isa rin palang naunang dubsmasher itong si Yard!

Haysssss. So ngayon alam nyo na na barkada kame ng mga papansin! Eh ano naman ngayon! Pwes ito naman ang akin! Syempre magpapatalo ba naman ako!?

Take that Yaya Dub!

Check Also

Duterte VS Philippine Media

Conversation and topic of the day with my Singaporean colleagues: Duterte vs Media They said …

Leave a Reply

Your email address will not be published.